May mga sampung taon na akong sumusulat tungkol sa tongkat ali bago pa ito naging tanyag at damdam ko na mayroon akong pananagutan na mapangalagaan ang reputasyon ng kahanga-hangang halaman na ito
Sa mga nakalipas na taon, nadaragdagan at dumadami ang mga namamahagi o nagbebenta ng tongkat ali, kaya lalong lumakas ang kumpetisyon sa bentahan nito.
Ang tongkat ali o Eurycoma longifolia Jack sa Latin na salita ay isa sa mga ipinagbibili na halamang gamot sa mataas na halaga na karapatdapat naman. Umaabot sa dalawampung taon ang ugat ng tongkat ali para lalong mabisa. Walang plantasyon ng tongkat ali saan man sa buong mundo dahil sa mahirap ang magpatubo nito. Ang halaman na ito ay tumutubo lamang sa tuyo't nalalambungan at madalislis na kasukalan. Lahat ng paraan para ito ay pagyamanin ng maramihan ay di pa nagtatagumpay seguro dahil hindi pa nadidiskubre ang tamang kapaligiran para sa halamang ito. Ang lahat na purong tongkat ali ay nakukuha lamang sa kagubatan.
Pero saan?
Ang halaman na ito ay matatagpuan sa kasukalan ng Timog Silangan ng Asya at dito lang na parte ng mundo ito yumayabong hanggang sa ngayon. Ito ay tanyag sa buong Timog Silangan ng Asya mula sa Vietnam hanggang Indonesia kaya ginagapas ng maramihan dahil sa kahalagan sa kalusugan ng ugat ng halaman na ito. Kaya malamang na bawat kasukalan na napapasok ng tao, a walang tongkat ali na halaman ang hindi pinagkikitaan.
Sa ngayon ang Indonesia lamang ang nag-iisang bansa na mayroong kasukalan na may likas na halaman ng tongkat ali. Hindi dahil sa karaniwan lang ito sa Indonesia pero dahil sa isa ito sa mga bansang may malawak na di pa nagagalaw na kasukalan kong saan na likas na dumadabong ang halaman ng tongkat ali. Kaya lang walang garantiya na mapananatiling hindi magagalaw ang mga kasukalang ito. Sinusunog na ang mga ito ng mabilisan.
Mga balita sa wikang English tungkol dito
Indonesia smoke blankets region
http://news.bbc.co.uk/2/hi/asia-pacific/5415944.stm
Forest fires rage across Indonesia and Brazil
http://www.greenpeace.org/international/news/going-up-in-smoke-120906
Entire Rainforests Set to Disappear in Next Decade
http://www.commondreams.org/headlines03/0705-06.htm
May pandaigdigan pagdidiin na ipinapatong sa bansang Indonesia na pigilan ang patuloy na pagsunog sa mga kagubatan nito na pinagmumulan ng pagdidilim ng ng kalangitan dahil sa usok at upang pangalaga-an na rin ang mga natitirang kagubatan para sa kahalagan ng pangkahalatang kapaligiran. Kaya si Presidente Susilo Bambang Yudhoyono (SBY) ng bansang Indonesia na mula pa noon ay nakikinig na sa pandaigdigang mungkahi tungkol sa giyera sibil sa Aceh, ay nagpahiwatig na ang pagpanatili ng ang mga kasukalan ay isa sa mga pagtutuunan nya.
Kong ang pagbabasehan ang balitang English tungkol dito:
SBY Orders Arrest of Illegal Logging Bosses
http://www.bkpm.go.id/bkpm/news.php?mode=baca&info_id=979
Dahil sa mga alintuntunin ng gobyerno na protektahan ang kasukalan ng Indonesia ay maaring bumaba ang dami ng kalakal nito at tumaas lalo ang halaga ng ugat at ekstrakt ng tongkat ali.
Maaring tumaas lalo ang presyo dahil sa paglago at pagyaman ng ekonomiya ng bansang Tsina. Di mapasubalian na halos sa buong mundo, ay walang nakakahihigit sa mga Tsino sa paggamit ng mga likas na gamot galing sa mga halaman. Sa bansang Tsina, kapantay ng halamang gamot ang mga medisina na galing sa Kanluran.
Basahin ito, sa wikang English:
Traditional Chinese medicine
http://en.wikipedia.org/wiki/Traditional_Chinese_medicine
Ang Tsina ay isang malawak na bansa kaya kong malaki ang pangangailangan nito sa isang bagay ay hahantong sa kakulangan ng bagay na iyon. Ang nangyayari tuloy ay nagiging mataas ang presyo sa bentahan ng bagay na iyon lalo na kong halamang gamot ang pag-uusapan. Nangyari na ito sa isang likas na produkto na galing sa Indonesia na di naman tiyak ang epekto pero tumaas ang presyo dahil sa hinahanap hanap ng mga Tsino. Ito ay wala ng iba kundi ang pugad ng ibon na nagkakahalaga ngayon ng libo-libong dolyar bawat kilo.
Sa wikang English:
Swifts and Trade
http://american.edu/ted/SWIFT.HTM
Bird nests at around 2000 US dollars per kg
http://www.naturalnest.com/
Bird nests at around 3000 US dollars per kg
http://www.ipmart.com/main/page.php?page=hm_hthl_food
&cat=577&ref=adwords&gclid=CN_u-KrL6IcCFSerYAodvU6wfA
Kong ihahambing, mura pa rin ang ugat ng tongkat ali na ibinebenta sa halagang mababa pa sa limampung dolyar kada kilo.
Sa wikang English:
Retail tongkat ali chipped root and root powder
http://www.tongkatali.org/retailroots.htm
Kaya lang di gaya ng pugad ng ibon, ang tongkat ali ay di maari sa tuwirang pangkunsumo. Kailangang ilaga ang ugat nito para inumin parang tsaa o kaya tunawin at inumin ang ekstrakt nito.
Di na nakakapagtataka na ang isang likas at mahalagang sangkap na gaya ng tongkat ali na malakas sa bentahan ay ma kahalong kalokohan. Maraming produkto na ibenebenta na tongkat ay hinahaluan ng kontrabangong halo. Galing lahat ito sa Malaysia.
Mga balita sa wikang English:
Health Canada recalls sex enhancer Libidus due to potential risks
http://www.canada.com/edmontonjournal/news/story.html?id=a2804f9a-4e99-4a98
-8864-d0b97af1f18f&k=74857
Press release by the Chairman of the Drug Control Authority relating to traditional medicines found to contain Tadafil
http://www.bpfk.gov.my/pdfworddownload/MARCH_04.pdf#search=%22Shitek%20
Tongkat%20Ali%20400%20mg%E2%80%99%20and%20%E2%80%98Longeria%20Capsule%22
Ang extrakt na tongkat ali mas mahal kompara sa ugat nito(mas mahal pa sa may halong sildenafil citrate) dahil ang mabisang sangkap ay makikita lamang sa mababang dami nito
Characterization of the Water Soluble Fraction from the Root Extract of Eurycoma Longifolia
http://www.ceps.com.tw/ec/ecjnlarticleView.aspx?atliid=59888&issueiid=5463&jnliid=474
Dagdag pa dito na madami ang halaman na herbal na ito ng mabisang sangkap na tumutulong na magpataas ng hormone ng lalaki. Ang walang pinapanigan na nag-uulat sa agham para tingnan ang mabisang sangkap ng tongkat ali ay mababasa sa wikang English dito:
Global Information Hub for Integrated Medicine
http://content.nhiondemand.com/moh/media/monoHerb.asp?objID=101048&ctype=herb&mtyp=1
Habang ang kemiko na aspeto ng tongkat ali ay maiging itinatala sa mga talatang siyentipiko, ang pag-aaaral sa agham naman sa paanong paraan na ang ugat nito ay nakadagdag sa sekswalidad at hormone. Ang purong tongkat ali ekstrakt ang ginamit sa pag-aaral na walang takdang nag-iisang sangkap na itinutukoy at hindi gamit ang ano mang partikular na sangkap na gaya ng eurycomanone o kaya eurycomalactone.
Ang binabanggit kong pag-aaral sa agham ay isang pag-aaral na ipinahayag sa mga talatang sinusuring mabuti ng mga kapatiran sa agham bago ipahayag. Di ako masyadong naniniwala sa mga sinasabi ng mga talatang agham daw na ipinapahayag sa website ng mga nagbebenta ng isang particular na produkto.
Kong may pag-aaral nga na siyentipiko na isinagawa ayon sa sinasabi nila at may nakakagitla daw na resulta, bakit hindi ito itinala bilang isang talatang agham. Eto ang hindi ko maintindihan. Maari kayang kong di gawa-gawa lang nila ang pag-aaral ito may depekto sa agham.
Idagdag pa na kong ang tototoong pag-aaral sa agham talaga ang pakay, dapat ay ang pag-aaral sa pangkahalatan na katumbas sa medisina ang talakayin. Ang mga pag-aaral na gumamamit ng isang partikular na tatak na wala namang tamang pagtatakda ay baka isang itong pekeng pagsaliksik lamang. Isa pa, ang pakay na pagbebenta ng mga gamot at suplemento sa pagkain na hindi sinasabi ang talagang sangkap at tamang pagtakda ay laban sa itinatakda na proteksyon sa mga taga-kunsumo.
Kaya lang, ang sinasabing may pamantayang ekstrakt ay isang panlito sa maraming mamimili na na ito daw ay isang mahusay na kalidad.
Oo nga naman ang balat ng Yohimbe na ekstrakt na itinakda para maging Yohimbine ay mas mahusay sa hindi itinakda na extrakt.
Yohimbe standardized for 2 % yohimbine
http://www.vitacost.com/Twinlab-Yohimbe-Fuel-100-Capsules
At saka ang St. John's wort na itinakda bilang hypericin ay mas mahusay kesa sa hindi itinakda.
St. John? wort recommended to be standardized to 0.3% hypericin
http://www.umm.edu/altmed/ConsHerbs/StJohnsWortch.html
Seguro, kong yong nagbebenta ng tongkat ali ay makatakda talaga ng mabisang sangkap nito, ay masasabing isa itong progreso. Kaya lang tila wala pa ring malinaw na resulta na nakita sa mga itnutukoy na sangkap sa pahina ng Global Information Hub for Integrated Medicine at sa talagang hanggan ang epekto nito.
Kaya lang nandoon pa rin ang hatak para sa pangangalakal ang paggamit o pagtatakda ng mabisang sangkap daw nito.
Halimbawa, eurypeptides? Sa dalawamput dalawa na porsyento.
Ano ang Peptides? Ang salita na eurypeptides ay nagpapahiwatig tungkol sa peptides ng Eurycoma longifolia Jack.
Wala akong nakita na pinanggalingang pahayag sa agham na tumutukoy sa eurypeptides. Maaring ang tinutukoy na pagtakda ng dalawamput dalawa na porsyento nito ay galing sa hindi napatunayan na talatang agham.
At saka hindi itinatalakay sa mga website na nagbebenta ng tongkat ali ekstrakt na nagtatakda dalawamput dalawang porsyento ng eurypeptides na kong para saan talaga ito?
Oo alam ko kong ano ang peptides - mga kawing kawing ng amino acids, na binubungkos ng peptide. Kong humaba na ang ang mga ito ng mga limampung kawing, ay protina na ang tawag dito.
Ngayon kong mga website na yon na nagbebenta daw umano ng nakatakdang tongkat ali ekstrakt ay magbigay ng kanilang basehan na kemikal para sa kanilang pagtakda(kong ito ay totoo talaga), ay isa itong malaking pasulong na hakbang.
Ang Global Information Hub for Integrated Medicine, ay nagsasabi tungkol ditto na:
Ang eurycoma longifolia ay karaniwang itinatakda na eurycomanone, 13alpha(21)-epoxyeurycomanone, eurycomalactone, at 14,15beta-dihydroxyklaineanone para basehan ng binubuo ng ekstrakt habang ang mas masidhi na quassinoids at glycoproteins ay ginagamit na basehan para sa mas malusaw na ekstrakt.
http://content.nhiondemand.com/moh/media/monoHerb.asp?objID=101048&ctype=herb&mtyp=1
Wala pa akong nakikita na ibenebentang produkto na itinakda sa isa sa mga substansiyang kemikal na ito. Di ko pwedeng pasubalian na baka ang mga malalaking tagapangalakal gaya ng Sigma Aldrich ay magbenta ng ektrakt na itinalaga na eurycomanone o eurycomalactone pero baka gawin lang nila ito sa mga laboratoryo.
At ako ay segurado na walang ekstrakt ng eurycoma longifolia na itinakda sa mga sinasabing kemikal na papayagan na magbenta bilang supplemento sa kalusugan kong wala itong mga ibat ibang pagsubok na ginawa gaya sa sildenafil citrate o apomorphine
Ang purong ugat ng tongkat ali o ang ekstrakt nito na galing sa pagbababad at pag-lalaga ng mga tapyas na ugat, na pagkatapos tanggalin ang mga ugat, ay hinayaang sumingaw ang pinaglagaan na tubig, ay alam ang maaring peligro. Sa paraan na ito ginamit ang tongkat ali mula pa noon nakalipas na siglo.
Pero ang magtakda sa tongkat ali ekstrakt gamit ang mga kemikal na binanggit ay maaring mayroong epekto sa tao lalo pa na walang nakilanlang paglilitis ng mga lupon sa pagtuklas ay maaring kaiba na ito. At lalo na kong ang pagtakda ay binigyan lamang ng magandang pangalan at hindi nakatala sa mga talatang agham ay lalong ibang usapan na. Usapang ayaw kong maging isang parte.
O baka di kaya yong lahat na tungkol sa eurypeptices na istorya, ay isang bogus na agham lamang?